^

Police Metro

2 lalaki pisak sa trak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na ang isa ay na­ka-wheelchair matapos na sila ay maatrasan ng isang delivery truck kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang mga nasawi ay kinila­lang sina Philip Amon­cio, 38, may-asawa, driver, ng 1st West Crame, Road, 698, San Juan City at Felipe Cureg, 44, may-asawa ng 116 Mother Igna­cia St., Brgy. South Triangle.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi sa may parking area ng National Bookstore na matatagpuan sa panulukan ng Scout Borromeo at Quezon Avenue, Brgy. South Triangle ay pinarada ni Amoncio ang kanyang Isuzu Elf (UWC-948) trak para magdeliber ng goods sa isang sangay ng Jollibee.

Tumulong pa ang biktima sa kanyang helper sa pagbaba ng goods, saka nilagyan ng kalang ang gulong ng trak para hindi ito umandar.

Habang tumutulong si Amoncio, lumapit naman si Cureg na naka-wheelchair at nanghingi ng kalakal na karton na binigyan naman ng una.

Habang tinulungan ni Amoncio si Cureg na magtupi ng karton, ay big­­lang umatras ang trak at sa kasamaang palad ay kapwa sila nagulungan.

Hindi na napigilan pa ng pahinante ng trak sa pag-atras ng sasakyan ng lumipat ito sa driver’s seat.

Ang dalawa ay dinala sa East Avenue Medical Center, subalit kapwa nasawi habang ginagamot.

 

vuukle comment

AMONCIO

BRGY

CUREG

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FELIPE CUREG

HABANG

ISUZU ELF

MOTHER IGNA

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with