^

Police Metro

3 crew ng pizza store nasabuyan nang kumukulong mantika

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Halos nalapnos ang balat ng tatlong kitchen crew ng isang pizza restaurant matapos sumabog ang gamit na “pressure frier” na puno ng mantika sa loob ng SM Mall of Asia sa Pasay City kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga dinala sa MOA Clinic sanhi ng tinamong matinding paso ng kumukulong mantika sa braso at kamay ay sina Jhon­seth Yanido, 25, Bernard Gunao at Rhijay Llantoc, pawang mga service crew ng naturang Shakey’s restaurant.

Sa pahayag ni Analyn Forteria, store manager na naganap ang pagsabog dakong alas-10:45 ng umaga habang pinapainit na ng mga service crew ang mantika sa pressure frier.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pagsabog ng pressure frier. Wala ring itinaas na alarma ang Pasay City Bureau of Fire Protec­tion dahil hindi naman humantong sa paglagablab ng apoy ang nangyaring pagsabog.

vuukle comment

ANALYN FORTERIA

BERNARD GUNAO

INAALAM

JHON

KABILANG

MALL OF ASIA

PASAY CITY

PASAY CITY BUREAU OF FIRE PROTEC

RHIJAY LLANTOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with