Aleman utas sa kainuman
MANILA, Philippines - Isang saksak sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang Aleman nang saksakin ng kainuman matapos ang mainitang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. San Jose, Koronadal City, South Cotabato.
Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Ralf Dietrich, tubong Frankfurt,West Germany, 59 na may 20 taon ng naÂninirahan sa Koronadal City kasama ang live-in partner nitong Pinay.
Ang suspek na tumaÂkas na kapitbahay ng bikÂtima ay kinilalang si NesÂtor Kadungong.
Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay kasalukuyang nag-iinuman ang biktima, suspek at mga kaÂsama sa Purok Lower Kadidang, Brgy. San Jose nang biglang magtalo ang dalawa sa hindi pa malamang isyu.
Bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima na duguang napalugmok malapit sa mesa ng bilyaran at binawian ng buhay noon din sa inÂsidente.
- Latest