^

Police Metro

Sokor vs Nokor war…. DFA pinakilos ng Pangulo

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ni Pangulong Benigno Aquino III na matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy kaya inatasan nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) gayundin ang Philippine Embassy sa South Korea na makipag-koordinasyon sa Filipino community upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito matapos ang banta ng North Korea na paglulunsad ng giyera.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La­cierda, binibigyan ng latest update ang Pangulong Aquino kaugnay sa sitwasyon sa Korean Peninsula matapos ang pagdedeklara ng state of war ng North Korea.

Inutusan din ni Pangulong Aquino ang DFA na gumawa ng contingency plan nito upang masiguro ang kaligtasan ng libo-libong Filipino na nasa Sokor.

“For this reason, the Embassy is coordina­ting with Filipino community leaders on steps to be taken pertinent to the situation in the Korean Peninsula,”paliwanag pa ni Sec. Lacierda.

Nagbanta ng giyera ang North Korea sa kalaban nitong South Korea gayundin ang pag-atake daw sa mga bansang mayroong US military bases.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INUTUSAN

KOREAN PENINSULA

NORTH KOREA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE EMBASSY

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LA

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with