^

Police Metro

Dalaga namatay sa ginaw sa loob ng hotel

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanginig sa ginaw at nasawi ang isang dalaga habang nasa loob ng hotel kasama ang kanyang boyfriend sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si Jocelyn C. Tumacas, 34, supervisor ng National Statistics Office (NSO) at residente sa Block 36, Lot 1, Phase 3, Sitio Ehpeta-A, San Isidro, Antipolo City.

Ayon kay PO2 Jorge Caculba, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa loob ng room 375 Guest hotel na matatagpuan sa Aurora Blvd., Cubao, ganap na alas-12:30 ng madaling araw.

Sinabi ni Rolando Pascual, 36, boyfriend ng biktima, nasa 30 minuto makaraang silang mag-check in sa hotel at nanood sila ng telebisyon, tumayo ang biktima at nagpunta sa comfort room saka nag-shower.

Makaraan ang 30 minuto ay lumabas ang biktima sa CR at nakabalot lamang ng towel saka humiga sa kama.

Ayon kay Pascual, nagulat siya nang makitang nanginginig sa lamig ang kanyang girlfriend kaya nagpasyang isugod sa East Avenue Medical Center para magamot pero nalagutan din ng hininga.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AURORA BLVD

AYON

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOCELYN C

JORGE CACULBA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

QUEZON CITY

ROLANDO PASCUAL

SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with