^

Police Metro

Mayor nagbayad ng PTC fees sa NPA rebels

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nakatakdang imbestigahan ng pulisya ang isang mayor na umano ay nagbayad ng Permit to Campaign (PTC) fees sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kaugnay ng gagana­ping midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., sa­kaling mapatunayang may katotohanan ang sinasabing pagbabayad ng PTC fees sa NPA ni Bingawan, Iloilo Mayor Matt Palabrica  ay mahaharap ito  sa kasong kriminal at administratibo.

“Labag po sa batas ang maging kasabwat sa extortion na isinasagawa ng mga rebelde,” pahayag ni Cruz.

Nabatid na isang mi­yembro ng media sa Western Visayas ang nagreport na si Palabrica ang kauna-unahang opis­yal na nakatanggap ng PTC demand letter ng NPA sa Region VI na nagbayad umano sa extortion ng mga rebelde sa mga kandidato.

Sinasabing hindi umano nabigyan ng police security escort si Palabrica kaya sinamantala ng mga rebelde upang puwersahin itong magbayad ng PTC fees.

Ayon naman kay Cruz, taliwas sa mga espekulasyon ng kampo at mga supporter ni Palabrica ay walang ‘special treatment’ sa mga pulitikong kandidato na humihingi ng security escort sa PNP.

Nilinaw rin ni Cruz na wala siyang natatanggap na request mula sa nasabing alkalde sa paghingi nito ng security escort.

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

CHIEF SUPT

CRUZ

DIRECTOR P

ILOILO MAYOR MATT PALABRICA

NEW PEOPLE

PALABRICA

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with