^

Police Metro

May kapangyarihan ang mga tribu sa Davao – Kiblawan mayor

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ni Kiblawan, Davao del Sur Mayor Ma­rivic Diamante na naki­kipag-ugnayan ang local government unit (LGU) sa iba pang ahensiya ng gobyerno upang matiyak na nakokonsulta ang komunidad ng mga tribu sa lugar ng panukalang Tampakan mining project bago ito simulan.

 â€œNakikipag-ugnayan ako sa pinuno ng LGUs ng Tampakan, South Cotabato; Malungon, Sarangani; at  Columbio, Sultan Kudarat upang matiyak na ang tribal communities sa nasabing mga bayan ay napoprotektahan ng batas.” wika ni Diamante.

Nilinaw ng abogadang alkalde na ang kinontrata ng gobyerno para sa mi­ning project na Sagittarius Mines, Inc. (SMI) ay ser­yo­so rin na konsultahin ang tribal communities at may mahabang pro­seso sila upang matiyak na makukuha ang wastong pahintulot  mula sa mga tribu.

Naunang sinabi ni  Fulong Gideon Salutan, municipal tribal chieftain ng Kiblawan, na pinahahala­gahan nila ang tulong ni Diamante upang matiyak na napoprotektahan ang tribal communities.

“Kung maayos ang pagmimina, magkakaloob ito ng mga trabaho, oportunidad sa kabuhayan, karaniwang social services at emprastruktura tulad ng farm-to-market roads.” ani ni Salutan.

 

 

COLUMBIO

FULONG GIDEON SALUTAN

KIBLAWAN

SAGITTARIUS MINES

SHY

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

SUR MAYOR MA

TAMPAKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with