^

Police Metro

2 senglot nagpatayan

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marahil sa sob­rang kalasingan at hindi magka­intindihan habang nag-iinu­man ang dahilan nang pagduwelo ng isang mag­kaibigan na kapwa nila ikinasawi kamakalawa ng gabi sa Brgy. De Ocampo, Trece Martirez City, Cavite.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Wilfredo Batham, alyas Boy, 57, may-asawa, driver at residente ng #058 Daang Ilog Purok 1 ng nasabing barangay at Cesar Mabilin alyas Arok, 57-anyos, may asawa, driver at kapitbahay ng una.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ay masayang nag-iinuman sa tapat ng ka­nilang bahay ang magkaibigan ng sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang nagsigawan ang mga ito na ikinairita ng isa sa kanila. Umuwi ng bahay si Mabilin at kinuha ang kanyang kalibre 9mm at nang balikan si Batham ay pinaputukan ng sunud-sunod.

Hindi tinamaan si Ba­tham na mabilis na nakatakbo at nakapagtago sa konkretong bakod at kumuha ng kutsilyo at inundayan ng sak­sak si Mabilin.

Kahit na may tama si Mabilin ay nagawa pa rin nitong gumanti at sunod sunod na pinutukan si Batham.

Ang dalawa ay kapwa isinugod sa M.V. Santiago Medical Center na hindi na umabot ng buhay.

 

 

vuukle comment

BATHAM

CESAR MABILIN

DAANG ILOG PUROK

DE OCAMPO

MABILIN

SANTIAGO MEDICAL CENTER

SHY

TRECE MARTIREZ CITY

WILFREDO BATHAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with