^

Police Metro

3 uri ng anti-cancer organic health products pinakukumpiska NG FDA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang kumpis­kahin sa merkado ng Foods and Drugs Admi­nistration (FDA) ang tatlong hindi rehistradong orga­nic health products, food supplements at herbal products, na umano ay nakakagaling ng sakit na cancer.

Sa advisory 2013-004, ng  FDA na nakatanggap ng ulat na ang food supplement products na Aro Baro Churo Organic Tea, Aro Guyabano Tea at Aro Baro Churo Guya­bano Capsules ay ipinagbibili sa buong bansa.

Nakasaad sa label ng mga naturang produkto na ang mga ito ay 10,000 ulit na mas malakas at mas mabisang panlaban sa sakit na kanser kumpara sa chemotherapy na nagtataglay ng Adriamycin na nakamamatay ng cancer cells. 

Nang beripikahin ng FDA ay lumitaw sa record na ang mga naturang produkto ay hindi rehistrado bilang herbal drugs  o kahit food supplements kaya ipinakukumpiska.
Binalaan din ng FDA ang publiko na huwag tangkilikin ang mga produktong hindi aprubado at rehistrado sa ahensiya dahil sa peligro sa kalusugan at may kamahalan ang presyo.

Hindi pa umano ma­bisa sa nasabing sakit na may panganib din na magdulot ng hindi ma­gan­da sa kalusugan o ma­aring makamatay.

ARO BARO CHURO GUYA

ARO BARO CHURO ORGANIC TEA

ARO GUYABANO TEA

BINALAAN

DRUGS ADMI

NAKASAAD

NAKATAKDANG

NANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with