Trader, pinatay habang natutulog
MANILA, Philippines - Isang negosyante ang pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin at agad na nasawi makaraang pasukin ang bahay nito habang mahimbing na natutulog sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Leonado Duno, 47, residente ng #1009 C. Planas St., Tondo, Maynila.
Ang biktima ay nagtamo ng limang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na siyang dahilan ng on-the-spot na kamatayan. Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD) dakong alas-12:45 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa loob ng bahay ng biktima. Nabatid na sa ibaba lamang ng bahay natulog ang biktima at sa folding bed lamang umano ito nakahiga nang pasukin ng suspek.
Batay sa pahayag ng pamangkin ng biktima na si Fritz Examien, nakarinig siya ng mga putok at nang tingnan sa ibaba ang tiyuhin ay duguan itong walang buhay sa folding bed.
- Latest