^

Police Metro

Judge sa Koronadal City sinibak

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa pagiging mangmang sa batas kung kaya’t sinibak ng Korte Suprema ang isang hukom matapos na maglabas ng dalawang desisyon sa usaping hindi sakop ng una.

Sa per curiam decision ng Supreme Court en banc, si Judge Oscar E. Dinopol, ng Koronadal City RTC Branch 24  ay napatunayang ignorante  sa batas matapos na maglabas ng dalawang desisyon isang araw ng Sabado at itinaon pa na ito ay gabi.

Ayon sa SC,  nagka­sala si Judge Dinopol  ng  gross ignorance of the law. Kaugnay nito, tuluyan na ring tinanggal sa kaniya ang la­hat ng mga benepisyo, pagbawal sa anumang po­sisyon sa gobyerno ka­bilang na sa anumang government-owned and –controlled corporations.
Nabatid na ibinase ng Korte Suprema ang desisyon sa anim na mga administrative charges mula ng siya ay naupo bilang huwes sa nasabing korte.

Kabilang sa mga inisyu ni Dinopol ay ang preliminary injunction kay Rey Vargas bilang officer-in-charge ng office of the ge­neral manager sa Koronadal water district (KWD). 

Nag-isyu din ito ng writ of preliminary injunction laban kay Vargas at ilang oras lamang ang nakalipas ay nag-isyu rin ng pagpa-aresto kay Eduardo Panes, Jr., security guards ng Supreme Investigative and Security Agency, Juancho Holgado, at iba pang nasa No. 79 G.H. Del Pilar Street, Koronadal City hinggil sa  implementasyon ng 24 March 2007 Order nito.

Ayon sa Court En Banc nabigo si Judge Dinopol na ipaliwanag ang pag-isyu niya ng mga kautusan sa unwarranted arrest at incarceration of powerless individuals.

 

AYON

COURT EN BANC

DEL PILAR STREET

DINOPOL

EDUARDO PANES

JUANCHO HOLGADO

JUDGE DINOPOL

KORONADAL CITY

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with