^

Police Metro

2 trader ng ‘hot cars’ kinasuhan sa DOJ

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang smuggler ng mga mamahaling sasakyan ang kinasuhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa  Department of Justice hinggil sa illegal na pagpapasok ng  mga mamahaling sasakyan sa bansa na nasabat  noong Disyembre 2012  at Pebrero 2013.

Ang mga dalawang negosyante na sinampahan ng kasong paglabag  sa Section 3601 and 2530 of Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Executive Order No, 156 (banning the importation of used vehicles) o pagbabawal na mag-import ng mga segundamanong mga sasakyan ay kinilalang sina Anthony F. Soriano at Sonny Villatuya, ng Ranths General Merchandise.

Base sa record ng BoC tinangkang ipuslit ni Vil­latuya ang 14 na smuggled imported used right hand drive  na mga sasak­yan na nagkakahalaga ng P5 milyon noong nakaraang Disyembre 2012, na nang­galing sa bansang Ja­pan na nasabat sa Manila Inter­national Container Port, Port of Manila.

Si Soriano ay kinasuhan din  matapos na masabat ang isang forty footer container van nito sa Davao Port  noong Pebrero 9, ng taong kasalukuyan, na naglalaman ng mga smuggled Range Rover, Mini Cooper at Nis­san 350-Z, na nagkaka­ha­laga naman ng humigit kumulang sa P4 milyon na nagmula sa Long Beach, California, USA.

ANTHONY F

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

CONTAINER PORT

DAVAO PORT

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

EXECUTIVE ORDER NO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with