^

Police Metro

Pumatay sa babaing UE prof, nadakip

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Wala umanong intensiyon ang naarestong si Pee Jay Romero, 28, miyembro ng Genuine Ilocano na da­ting ex-convict para pa­tayin ang biktimang si Rowena Calo, 42, ng 1064 Negros St., Sampaloc, May­nila, na isang professor ng Univer­sity of the East-Ma­nila unang napaulat na gui­dance counselor noong Lunes ng hapon kung hindi lang siya nairita dito nang bu­ngangaan at kagalitan.

Ito ang inihayag ng sus­pek, matapos na maa­res­to ng mga otoridad kahapon ng alas-6:15 ng umaga ha­­bang hinihintay ang kan­yang nobya sa Sta. Rita, Bu­lacan Terminal upang isama sa pagtatago sa la­la­wigan.

“Nagkabanggaan kami paglabas ko sa pinto, ila­labas ko yong mga bote na pinag-inuman namin nagalit na agad nagdadakdak, si­nampal ko iyong bunganga tapos sinakal ko at saka ipi­nasok ko sa loob ng kuwarto niya”, anang suspek.

Itinanggi nito na gina­ha­sa niya ang biktima, na ang nangyari umano ay naka-tuwalya lang ito mula sa banyo nang kaniyang makasalubong at mabangga. Sinakal niya at hi­nila papasok ng kaniyang inuupahang silid, dahil iisang bubong ang kanilang inuupahan bagamat magkaibang silid.

Ang walang saplot na katawan ay sanhi lamang umano ng pagkalaglag ng tuwalya nang pumapalag ito, ngunit inamin na kanyang binigti ng sinturon para makatiyak na hindi na ito mabubuhay pa.

“Lagi na lang siyang nagagalit sa amin ng girlfriend ko, maingay daw kami sa kuwarto namin”, dagdag pa ng suspek.

Narekober rin ng pulisya ang dalawang cell phone at piggy bank ng biktima na naglalaman ng P15,000.

Nabatid na isang ex-con­vict si Romero na na­sentensiyahan sa Tuguega­rao, Cagayan sa kasong at­tempted homicide.

 

vuukle comment

EAST-MA

GENUINE ILOCANO

ITINANGGI

LAGI

NEGROS ST.

PEE JAY ROMERO

ROWENA CALO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with