Mag-ina inatado ng praning
MANILA, Philippines -Puwersahang pinasok ng isang lalaking praning ang bahay ng isang mag-ina at dito ay walang awang pinagtataga ng dalang itak naganap kamakalawa sa Brgy. Mapaang, Maco, Compostela Valley.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Emma Carpentero, 31-anyos, single parent at anak na si Jhunry Carpentero, 4-anyos matapos matadtad ng taga ang kanilang mga katawan.
Agad namang nadakip ang suspek na si Zaldy Arican, 34-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Binungan; ng naturang munisipalidad.
Sa ulat na natanggap ni Compostella Valley Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Pancratius Camilo Cascolan, bandang alas-2:45 ng hapon nang maganap ang pagpatay sa mag-ina na nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na puwersaÂhang pinasok ng suspek na armado ng itak ang bahay ng mag-ina at walang kalabanlaban na pinagtataga ang mga ito hanggang sa mamamatay.
Naaresto naman ng mga nagrespondeng otoridad ang suspek na hindi na pumalag nang arestuhin.
Ang suspek ay na kilaÂlang drug addict sa lugar ay praning matapos tumira ng droga.
- Latest