^

Police Metro

UP-Manila nagdaos ng ‘day of mourning’ para kay Kristel

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nagdaos ng “day of mourning” ang pamunuan ng University of the Philip­pines-Manila sa kabila ng suspensiyon ng klase para sa nagpatiwakal nilang freshman student na si Kristel Tejada, 16.

Bukod dito ay  napuno pa rin ng mga estudyante sa labas ng paaralan makaraang magsagawa ng pagtitipun-tipon para kondenahin ang ipinatutupad na ‘access’ sa edukasyon ng mga mahihirap na estudyante.

Nanawagan sila sa kani­lang mga kapwa  estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral bilang pagpapakita ng pagpupugay kay Kristel.

Hinimok din nila ang mga mag-aaral na ipagla­ban ang ‘more democratic, accessible and quality education’  para sa lahat.

Ayon naman kay Jason Alacapa, outgoing chairperson ng UP-Manila student council na nagulat sila at lubos na ikinalungkot ang pagkamatay ni Kristel na para na ring kawalan sa nakararami dahil sa paglaho na rin ng kanyang mga pa­ngarap para itaguyod ang kanyang naghihikahos na pamilya.

Ipinunto naman ni Heart Dino, chaiperson ng UP-Di­liman Student Council na ang edukasyon ay basic right na protektado ng internatio­nal laws. Kaya’t obligasyon aniya ng estado na tiyakin na lahat ng mamamayan ay may access sa dekalidad na edukasyon.

Kasabay nito, muling nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng UP-Manila sa pamilya Tejada sa ginanap na pag-aalay ng misa sa loob ng campus.

Sa Homily na inialay kay Kristel ng UP-Manila Fa­culty and students, sinabi ni Reverend Father Geordan  Orbe, resident priest ng UP-Philippine General Hospital,  na nakikidalamhati sila  sa sinapit ni Kristel. 

Hiniling din ni Father Orbe  na ipagdasal ang kaluwalhatian ng kaluluwa ni Kristel na aniya’y  biktima ng kahirapan sa buhay.

Kaugnay nito, pinatawad na rin ni Ginang Blessy Tejada, ina ni Kristel, ang pamunuan ng nasabing paa­ralan at tinanggap nito ang tseke na abuloy.

Sinabi ni Ginang  Tejada, na bagaman hindi  humingi ng ‘sorry’ ang pamunuan ng UP sa sinapit ng kanyang anak, mas mabuting patawarin na lamang niya ang mga  opisyal ng paaralan  na nanggipit sa pag-aaral ng kaniyang anak.

Para kay Mrs. Teja­da, ang pagdalaw noong Sabado sa burol ni Kristel  ng ilang opisyal ng UP, na kinabibilangan ni UP-Manila Vice Chancellor Josephine de Luna  ay marahil paghingi na rin ng paumanhin sa sinapit ng kanyang panganay na anak.

FATHER ORBE

GINANG BLESSY TEJADA

HEART DINO

JASON ALACAPA

KRISTEL

KRISTEL TEJADA

MANILA FA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with