^

Police Metro

Singil ng Meralco, bababa

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dahil sa inaasahang pagbabayad ng “refund” ng National Power Corporation (NAPOCOR) at Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) kaugnay ng”overpriced” na singil sa isinusuplay nilang enerhiya ay po­sibleng bumaba ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa isinu­suplay nilang kuryente sa mga susunod na buwan.

Sinabi kahapon ni Ener­gy Regulatory Commission executive director Saturnino Juan na natapos ang lahat ng pagdinig at palitan ng mga komento kung saan natukoy na ang halagang dapat ibalik sa Meralco na siya namang ibabalik sa kanilang mga kustomer.

Aabot umano sa P5.716 bilyon ang dapat ibalik ng Napocor at PSALM sa Meralco mula Nobyembre 2006 hangang Agosto 2012, kung isasama ang dapat isauli rin ng mga pribadong power generation companies ay aabot sa P9.8 bilyon ang dapat masingil ng Meralco sa “refunds”.

Ang naturang mga ha­laga ay dapat ibalik ng Napocor, PSALM at mga pribadong generation companies sa Meralco na dapat ring ibalik sa kanilang mga kustomer.

Napagkasunduan din sa mga pagdinig na hindi isang bagsak ibabalik ang halagang ire-refund.  Nasa P73.9 milyon kada buwan ang unti-unting ibabalik sa loob ng 70 buwan o maaaring ikaltas ang hala­ga sa kinukuhang suplay ng enerhiya ng Meralco.

Idinagdag pa ni Juan na sa susunod na buwan  maaaring masingil na ito ng Meralco.  Pinagsusumite rin nito ang Meralco ng hiwalay na petisyon para maobliga ang mga pribadong gene­ration companies na ibalik ang sobrang ibinayad sa isinuplay nilang enerhiya.

AABOT

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

POWER SECTOR ASSETS AND LIABILITIES MANAGEMENT CORPORATION

REGULATORY COMMISSION

SATURNINO JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with