Taxi driver pinagbabaril, todas
MANILA, Philippines - Todas ang isang taxi driver makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakatayo ito sa gilid ng kalsada sa Parañaque City kahapon ng madaÂling-araw.
Ang biktima ay kiniÂlalang si Joel Agustin, 36-anyos, binata, residente ng #63 Barrio Daop-PaÂlad, Merville, ng naturang lungsod.
Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, nakatayo sa kanto ng West Service Road at Merville Access Road ang biktima dakong alas-3:10 ng madaling araw nang ratratin ng bala ng hindi pa nakiÂlalang salarin at agad na tumakas.
Sa pahayag ng testigong si Eduardo Singson, vendor, nag-aayos na siya ng mga panindang diyaryo nang marinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril kaya’t sa takot na tamaan ng ligaw na bala ay napayuko siya kaya’t hindi niya nakita ng malinaw ang mukha ng salarin.
Nakita na lamang umano niya na nagmamadali ng tumakas ang suspek habang duguan na nakatihaya at wala ng buhay ang biktima. Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng salarin. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang.
- Latest