^

Police Metro

Binulungan na magpakamatay… adik lumundag sa kamatayan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang cons­truction wor­ker nang ito ay lumundag mula rooftop ng kanilang tahanan makaraan umanong bulungan siya ni kamatayan sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima na kinila­la ni SPO1 Randy Bantillo ay si Harold Dip­lomo, 37, isang construction worker.

Sinabi ni Bantillo, si Harold ay agad na nasawi ganap na alas-11:45 ng umaga matapos tuma­lon sa rooftop ng ikalawang palapag ng tahanan ng kanyang tiyuhin na si Nicando Diplomo na matatagpuan sa #340 Kasunduan Extension, Barangay Commonwealth sa lungsod.

Ayon kay Bantillo, nagkalasog-lasog ang katawan ng biktima matapos bumagsak sa simentadong kalsada.

Bago maganap ang insidente ay sinasabing palakad lakad ang biktima sa harap ng kanilang bahay at nagsasalita ng mag-isa na may bumubulong umano sa kanyang tenga.

Iniiyakan din umano ng  biktima ang dalawang bato na hawak nito habang naglalakad.

Inamin ng mga kaanak ng biktima na dating gumagamit ng bawal na gamot ang biktima kaya ang hinila ng mga imbestigador na epekto ng droga ang sumira sa kaisipan nito at kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang kokote hanggang maisipang tumalon sa gusali.

Gayunman, nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulis­ya para matukoy kung may naganap na ‘foul play’ sa pagkamatay ng biktima.

 

AYON

BANTILLO

BARANGAY COMMONWEALTH

BIKTIMA

HAROLD DIP

KASUNDUAN EXTENSION

NICANDO DIPLOMO

QUEZON CITY

RANDY BANTILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with