^

Police Metro

1 patay, 4 sugatan sa taga ng naburyong na mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasok ng isang lala­king naburyong dahil sa problema ang isang bahay at pinagtataga rito ang apat na miyembro ng pamilya na ma­himbing na natutulog na ikinasawi ng padre de pamilya habang nasugatan ang apat na iba pa kabilang ang isang pulis na rumes­ponde kamakalawa ng gabi sa Mangaldan, Panga­sinan.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa taga sa leeg ay nakilalang si Florentino Molano, nasa hustong gulang, traffic enforcer.

Ang suspek na napatay ng mga rumespondeng pulis ay nakilalang si Jose Pinullar, 58-anyos, residente rin ng nasabing lugar.

Nasugatan naman ang mga kasambahay ni Molano na sina Arnel Grajo, 48; Mi­nerva Moulic, 4; anak nitong si Giamel, 5; at ang pulis na kabilang sa arresting team na tinukoy lamang sa pa­ngalang si SPO3 Abrazado; pawang nilalapatan na ng lunas sa Region 1 Medical Center.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi ay mahimbing na natutulog ang mga biktima nang ito ay pasukin ng suspek na armado ng itak at pinagtataga ang mga ito.

Nagresponde sa lugar ang mga operatiba ng pulis­ya pero sa halip na sumuko ay dinaluhong ng suspek ang mga pulis na ikinasugat ni SPO3 Abrazado bunsod upang mapilitan ang mga kasamahan nito na barilin ang suspek na siya nitong ikinamatay.

vuukle comment

ABRAZADO

ARNEL GRAJO

FLORENTINO MOLANO

GIAMEL

JOSE PINULLAR

MANGALDAN

MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with