^

Police Metro

Napatay na nangongotong na lady officer ng AFP, peke

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ni Army Spokesman Lt. Col. Randolph Cabangbang na impostor na sundalo ang napatay na babae na nakuhanan ng ID ng AFP na nagpakilalang si Army Captain Christine Tugade matapos pagbabarilin ng isang sekyu na kinokotongan nito.

Ayon kay Cabangbang,  kanilang ibineripika sa kanilang rooster ang pangalan ni Tugade, at dito ay napatunayan na peke ito habang ang suspek na si Melodio Tindoy, security guard na nagtratrabaho sa Kintanar Security Agency na nakatalaga sa Philtranco Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ay dating miyembro ng Philippine Army, pero natanggal sa serbisyo matapos na umano’y mag-AWOL (Absence Without Official Leave).

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagpakilala si Tugade kay Tindoy bilang opisyal ng Philippine Army at nangakong tutulungan ang huli na makabalik sa serbisyo kapalit ng P10,000 halaga.

Napagtanto naman ni Tindoy na nangongotong lamang ang biktima kaya’t isinumbong niya ito sa pulisya para magsagawa ng entrapment.

Nainip naman ang suspek sa mga pulis na nangako ng entrapment operation kaya’t binaril at napatay ang biktima na nakuhanan ng pekeng ID ng AFP. -

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ARMY CAPTAIN CHRISTINE TUGADE

ARMY SPOKESMAN LT

KINTANAR SECURITY AGENCY

MELODIO TINDOY

PHILIPPINE ARMY

PHILTRANCO BUS TERMINAL

QUEZON CITY

RANDOLPH CABANGBANG

TINDOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with