P2.5-M puslit na bangus nakumpiska
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P2.5 milyon halaga ng mga puslit na kahon-kahong illegal na kargamento ng bangus na nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) nang magsagawa ng inspection sa bodega ng dalawang cargo company sa Pasay City noong Sabado ng hapon.
Ito ang natanggap na ulat ni Customs Commissioner Ruffy Biazon mula kina NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs Police Byron Carbonell, ng BoC, Task Force React.
Batay sa ulat, dakong alas-4:42 ng hapon nang magsagawa ng inspection ang mga tauhan ni Biazon, sa bodega ng Pair Cargo at dito ay nakumpiska ang 88 kahong mga isdang bangus, na ibiniyahe sa Flight SQ916 at ang 61 kahon naman ay isinakay mula sa Flight CX905.
Pagkatapos sa warehouse ng naturang cargo company, ay nagsagawa rin ng inspection ang mga tauhan ni BiaÂzon sa warehouse naman ng Miascor Cargo at nasamsam dito ang may 210 na kahon na naglalaman ng mga isdang bangus.
Sa isinagawang berepikasyon ng BoC mula sa Bureau of Fisheries and AquaÂtic Resources (BFAR) na walang permit ang naturang mga kargamento na inaalam pa ang mga pangalan ng consignee nito na nakatakdang sampahan ng paglabag sa Section 2530 of the TCCP as amended in Republic Act 8550, Fisheries Code of 1998.
- Latest