Magpinsan gutay sa granada
MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang magpinsan habang isa ang nasugatan makaraang masabugan ng granada na inihagis sa kanila ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mahalang, HimaÂmayÂlan City, Negros Occiental.
Ang magpinsan na naÂsawi ay kinilalang sina Jonathan at Ranie Sebugero.HaÂbang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang isa pang nasugatan nilang kasamahan na hindi natukoy ang pangalan.
Batay sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi ay bigla na lamang umanong hinagiÂsan ng granada ng hindi nakilalang mga lalaki ang mga biktima habang nasa bisinidad ng lugar.
Pinaniniwalaan namang alitan sa lupa ang motibo ng pag-granada habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.
- Latest