^

Police Metro

Tricycle na pinapasada tinangay… huling pasada: 3 katao tinodas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa natagpuang patay ang magkapatid at isa ni­lang kasama matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang lalaki na umupa sa kanilang tricycle kahapon ng madaling-araw sa national highway sa M’lang, North Cotabato.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ismael Talusan, 35, tricycle driver; kapatid nitong si Alamid, 23 at isang tinukoy lamang sa pangalang Guimbang; pawang mga residente ng Brgy. Salapungan, Kabacan ng lalawigan.

Ang mga biktima ay  pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng M16 rifle sa katawan at natagpuang  nakabulagta sa kahabaan ng M’lang-Matalam highway sa nasabing lugar.

Ayon kay Inspector Rolando Dillera, hepe ng M’lang Police na isang hindi pa nakilalang lalaki umano ang kumontrata kay Ismael na nagpapahatid sa M’lang mula sa bayan ng Kabacan.

Sinamahan ng kapatid nitong si Alamid at isa pang kaibigan na umalis sa bayan ng Kabacan dakong alas-10:30 ng gabi noong Biyernes.

Ayon sa mga residente na pasado alas-12:00 ng madaling-araw kahapon nang makarinig sila ng mga putok ng baril sa lugar na kinatagpuan sa bangkay ng mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng suspek na tinangay pa ang tricycle sa pagtakas.

vuukle comment

ALAMID

AYON

BIYERNES

BRGY

INSPECTOR ROLANDO DILLERA

ISMAEL TALUSAN

KABACAN

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with