^

Police Metro

Bata nabaril at napatay ng tiyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aksidenteng nabaril at napatay ang isang 4-anyos na batang babae ng sarili nitong tiyuhin kamakalawa sa Brgy. Songkit, Madrid, Surigao del Sur.

Namatay noon  din ang biktimang si Glenn Angel Plaza, dahil sa tinamong tama ng bala ng cal. 38 re­vol­ver sa kaliwang kamay na naglagos sa kanyang tiyan.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na kinilalang si Beltrano Cosmiano, nasa hustong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Purok 2, Brgy.Songkit ng bayang ito.

Batay sa ulat, nililinis ng suspek ang kanyang baril sa loob ng kanyang bahay nang aksidenteng makalabit ang gatilyo na kung saan ay tumama ang bala sa biktima na nagkataong naglalaro sa bahay. Nang mapatay angpamangkin ay dali-daling tumakas ang suspek.

vuukle comment

AKSIDENTENG

BATAY

BELTRANO COSMIANO

BRGY

GLENN ANGEL PLAZA

NAMATAY

NANG

PINAGHAHANAP

SONGKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with