Dalagita dinukot ng basted na manliligaw
MANILA, Philippines - Dalawang linggo ang nakalipas bago nasagip ng mga otoridad ang isang 15-anyos na dalagita na kinidnap ng kanyang biÂnasted na manliligaw kamakalawa ng gabi sa isinagawang operasyon sa Rizal Avenue, Molave, Zamboanga del Sur.
Ang nasagip na biktima ay kinilalang si Marfee Bergado, estudyante, residente ng Poblacion, Kapatagan, Lanao del Norte.
Habang ang suspek na naaresto ay kinilalang si Fedie Sinangote, 30.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:30 ng gabi nang masagip ng rescue team ng Molave Police ang biktima sa pinagtataguan dito ng suspek sa naÂsabing lugar.
Isinagawa ang rescue operation matapos na duÂÂÂmulog sa pulisya ang tiyaÂhin ng biktima na si Evelyn Mahusay, 42 na ini-report ang pagtangay ng suspek sa kaniyang pamangkin may dalawang linggo na ang nakaÂlilipas.
Kasalukuyan nakakulong na ang suspek na naÂhaharap sa kasong kriÂminal.
- Latest