^

Police Metro

2 todas sa pamamaril sa Baseco

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dalawang lalaki na ang isa ay contruction wor­ker habang ang isa ay dayo la­mang ang naiulat na na­sawi sa magkahi­wa­lay na insidente ng pama­maril sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.

Ang nasabing  cons­truction worker ay kinilalang si Gener Boral, 36, ng 743 E. Rodriguez St.,  Malibay, Pasay City na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tenga at residente ng Block 11 Extension noong Lunes ng gabi. Tumakas ang suspek.

Kahapon naman ng alas-4:30 ng madaling-araw nang matapuang nakabulagta sa kalsada ang 25-anyos na si Rusty Salamat na binaril din sa ulo malapit sa kanyang bahay sa No. 69, Block 18 Extension. Isang paltik na baril ang nakita sa katawan nito.

Sa nakuhang impor­mas­yon ng pulisya sa blotter ng barangay at rekord sa presinto, sangkot sa serye ng pag­nanakaw sa kani­lang lugar si Salamat.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang da­lawang insidente ng pa­mamaril.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

DALAWANG

GENER BORAL

INAALAM

ISANG

PASAY CITY

RODRIGUEZ ST.

RUSTY SALAMAT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with