^

Police Metro

Dalagang ina nagbaril sa ulo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng 17-anyos na dalagang ina na si Jenne­lyn Bautista, residente ng Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sentido sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pagpapakamatay ng biktima  matapos na pumasok ito ng kanyang silid habang naghahapunan pa kasama ang pamilya.

Nang makarinig ng ma­lakas na inakalang nabasag na salamin ng bintana ang kapamilya ay napasugod sila sa itaas ng bahay.

Nakakandado ang pintuan ng silid ng biktima kaya sinilip ito ng kuya na si John Christian at mula sa bintana ay nakita ang nakahandusay na katawan ng kapatid sa  kama na duguan at may katabing baril.

Winasak ang partition ng silid ng biktima at isinugod sa kalapit na Metropoli­tan Memorial Medical Center subalit idineklara itong patay.

Nabatid na bukod sa problema sa loob ng pa­milya, may problema pa ang biktima kung paano bubuhayin ang isang taong gulang na anak na babae matapos maanakan ng da­ting nobyo.

Posible anya na nakuha ng biktima ang baril na pag-aari ng kaniyang ama na isa umanong bumbero.

vuukle comment

BAUTISTA

CRUZ

JENNE

JOHN CHRISTIAN

MAYNILA

MEMORIAL MEDICAL CENTER

METROPOLI

NABATID

QUIRICADA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with