^

Police Metro

Kahero dedo, room boy kritikal sa motel holdap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang kahero ang nasawi habang kritikal ang isang room boy nang sila ay pagsasaksakin ng mga armadong kalalakihan na nagsagawa nang panghoholdap sa isang motel kamakalawa sa Butuan City, Agusan del Norte.

Namatay noon din dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t bahagi ng katawan ang biktimang si Jessie Laugo, cashier sa Maxer’s Lodge.

Habang kritikal at dinala sa ospital ang room attendant na si Kenmark Fernandez, 19.

Batay sa ulat, bandang alas-2:25 ng madaling araw ay nagpanggap na mga customer ang mga suspek sa nasabing motel na matatagpuan sa 1st Street, Guingona Subdivision ng lungsod.

Paglapit kay Laugo ay naglabas ang mga ito ng patalim at baril at nagdeklara ng holdap.

Nanlaban si Laugo kaya’t pinagsasaksak ng mga suspek at nang marinig ang komosyon ay sumaklolo ang room boy  na si Fernandez, subalit maging siya ay sinaksak din  ng isa sa mga suspek at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas.

Kasalukuyan namang inaalam kung magkano ang nakulimbat ng mga holdaper sa nasabing motel.

 

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BUTUAN CITY

FERNANDEZ

GUINGONA SUBDIVISION

HABANG

JESSIE LAUGO

KENMARK FERNANDEZ

LAUGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with