^

Police Metro

Club at bars tinututukan sa Pasay… Kampanya vs AIDS pinalakas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Higit pang pinalakas ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang kampanya laban sa nakakahawang sakit na Acquired Immune Defficiency Syndrome (AIDS) at iba pang  Sexually Transmitted Disease (STD)” sa mga night clubs at entertainment bars sa pamamagitan ng pagpapakalat ng “information materials” para sa mga entertainment workers at mga kliyente.

Ayon kay Mayor Antonino Calixto, ang nilalaman ng mga information materials ay “diagnosis” o pagtukoy sa sakit, at “treatment prevention”.

Inatasan ng alkalde si City Health Office head Dr. Cesar Encinares para sa mabilis na pag-iikot sa lahat ng bars, clubs at maging mga lodging houses at matiyak na nakakabit ang information materials sa loob ng mga establisimiyento.

Nakapaloob rin ang anti-AIDS campaign sa programang Travel City upang kilalanin ang lungsod ng Pasay na “entertainment at leisure center” ng Pilipinas. Ibinase ang kampanya sa inapruba­hang Implementing Rules and Guidelines ng City Ordinance no. 2341 o ang Pasay City Aids Prevention and Control Ordinance. 

Inaatasan ng Pasay City Health Office ang lahat ng entertainers na dumalo sa anti-AIDS/STD seminar bago ma­bigyan ng Mayor’s Permit at Occupational Health Permit.

Sa rekord ng Department of Health, nakapagtala ng limang kaso ng pasyente na may AIDS mula Enero hanggang Setyembre 2012.

ACQUIRED IMMUNE DEFFICIENCY SYNDROME

CITY HEALTH OFFICE

CITY ORDINANCE

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. CESAR ENCINARES

IMPLEMENTING RULES AND GUIDELINES

MAYOR ANTONINO CALIXTO

OCCUPATIONAL HEALTH PERMIT

PASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with