Robin suportado ang pamilya Kiram
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta ang action star na si Robin Padilla sa pamilya Kiram nang ito ay dumating kahapon sa bahay nila sa MaÂharlika Village sa Taguig City.
Dakong alas-2:30 ng hapon nang dumating si Padilla sa bahay ng mag-amang Jamalul Kiram III at Princess Jecel at nagpaabot ng suporta sa pamilya. Bukod dito ay nagbigay ng tulong financial si Padilla ng halagang P500,000 para kay Jamalul Kiram na panggastos sa pagpapagamot nito sa kanyang karamdaman na sumasailalim sa dialysis sa bato. Ayon pa kay Princess si Padilla ay inaanak sa kasal ng kanyang ama at ito rin ang tumulong nang mabilanggo ang aktor sa New Bilibid Prison (NBP). Si Padilla na isang Muslim convert ay nagsabi sa pamilya Kiram na nais nitong makatulong lalo na ngayong nagkakaroon ng kaguluhan sa Sabah, Malaysia.
- Latest
















