^

Police Metro

PO1 utas sa sariling armas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang bagitong pulis nang barilin ito gamit ang kanyang service firearm ng isang lalaki na nakaaway niya sa loob ng isang computer shop kamakalawa sa Brgy. Guiwan, Zamboanga City.

Ang nasawi ay nakila­lang si PO1 Shidie Nashar Sapie, nakatalaga sa 3rd Mobile Company ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) 9, na nasawi sa ospital.

Batay sa ulat na natanggap ni Chief Inspector Ariel Huesca, Chief ng Public Information Office ng Police Regional Office (PRO) 9 dakong alas-4:00 ng madaling-araw naganap ang insidente sa loob ng Clique Internet Café na matatagpuan sa kahabaan ng MCLL Highway, Brgy. Guiwan.

Nabatid na nagtungo ang biktima sa computer café na naka-sibilyan dala-dala ang kaniyang caliber .45 pistol kasama ang dalawa pang kasamahang pulis na sina PO2 Eddymer Hadjarae at si PO1 Hayatullah Sakkam.

Naiwan ang dalawang pulis sa labas ng computer café at mag-isang pumasok ang biktima na may kinomprontang lalaking kustomer kung saan ilang saglit pa ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pag­tatalo.

Bigla umanong inagaw ng salarin ang baril ng biktima saka pinaputukan ito saka parang walang anumang tumakas sa crime scene.

Nakatakdang imbestigahan ang dalawang kasamahang pulis ng biktima dahil wala man lamang ang mga itong nagawa para pigilan ang krimen at arestuhin ang suspek.

 

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

CLIQUE INTERNET CAF

EDDYMER HADJARAE

GUIWAN

HAYATULLAH SAKKAM

MOBILE COMPANY

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with