P-Noy sa Kiram’s men: Sumuko na kayo!
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Pangulong Benigno Aquino III sa mga Royal Army na miyembro at taga-sunod ni Jamalul Kiram III na sumuko na sa mga otoridad ng Malaysia upang maiwasan ang muling pagdanak ng dugo.
Sa ipinalabas na statement ng Malacañang, sinabi ng PaÂngulo na hangarin ng gobyerno ng Pilipinas na maiwasan ang madugong engkuwentro, pero hindi dito nakiisa ang mga Filipino na nagnanais mabawi ang Sabah kabilang na ang kapatid ni Kiram na si AgbiÂmuddin Kiram.
“Sa ating mga mamamayan sa Lahad Datu, simula’t sapul hangarin namin na maiwasan ang pagkawala ng buhay at pagdanak ng dugo. Ngunit hindi kayo nakiisa sa layuning ito,†sabi ng Pangulo.
Mistulang sinisi rin ng PaÂngulo ang mga tagasunod ni Kiram na nagmatigas at mas piniling lumaban sa mga otoridad ng Malaysia.
“Dahil sa paraang pinili ninyo, nangyari na ang iniiwasan,†anang Pangulo.
Ang nag-iisang makatuwirang paraan na lamang umano sa ngayon ay sumuko ang mga nagmamatigas na Filipino na nasa Sabah.
“Kung may hinaing kayo, mali ang paraan na pinili ninyo. Ang makatuwiran at kaisa-isang inyong dapat gawin ay sumuko na. Sa inyong may impluwensiya at may kakayahang makiusap sa kanila, pakiabot ang mensaheng ito: Sumuko na kayo ng walang kondisyon,†anang Pangulo.
- Latest















