^

Police Metro

Anak ng vice mayor nagbaril

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na babae na anak ng isang bise alkalde sa lalawigan ng Laguna ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa ulo sa tinutuluyang boarding house sa loob ng isang kolehiyo sa Brgy. Balian, bayan ng Pangil ng lalawigan.

Ang nasawi ay kinilalang si Jo Anne Dioces Reyes, dalaga, Assistant Registrar sa Laguna Ma­ritime Arts and Business College at panganay na anak ni Pangil Vice Ma­yor Jovit Reyes.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon nang matagpuang patay ang biktima sa silid na tinutuluyan at pinagpapahingahan na boarding house ng nasabing kolehiyo.

Bago ang insidente ay nakita pa ang biktima ng kaniyang nakababatang kapatid na si Joyvette Reyes dakong alas-3:00 ng hapon na umiiyak at nagkulong umano sa kaniyang silid.

Pansamantalang umalis si Joyvette at nagtungo sa kaniyang classroom at  pagbalik nito ay sarado ang silid ng kaniyang ate at ayaw siyang pagbuksan ng pinto.

Humingi ito ng tulong  sa maintenance boy na si Gilberto Anievas para buksan ang silid ng kaniyang kapatid at dito ay bumulaga ang bangkay ng kaniyang ate sa ibabaw ng kama na may tama ng bala sa ulo.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang revolver handgun na ginamit nito sa pagpapatiwakal.

Walang pang makuhang dahilan ang pulisya kung bakit nagpakamatay ang biktima.

 

ARTS AND BUSINESS COLLEGE

ASSISTANT REGISTRAR

BATAY

GILBERTO ANIEVAS

JO ANNE DIOCES REYES

JOVIT REYES

JOYVETTE REYES

LAGUNA MA

PANGIL VICE MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with