^

Police Metro

Listahan ng mga tinanggal na rice accredited importers at brokers tumaas

Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patuloy ang isinasagawang paglilinis ng Bureau of Customs (BoC) hinggil sa  listahan ng mga importer at brokers na accredited mula sa   Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) unit na isang programa ng ahensiya upang sugpuin ang illegal smuggling partikular ang rice smuggling sa bansa.

Kaya naman ay tumaas pa ang bilang ng mga importer at broker na tinanggalan ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ng accreditation para ma­kapag-angkat ng bigas.

Nitong nakalipas na Pebrero 20, 2013 ay 39 pang importers at broker  ang inalis sa listahan ng ICARE-BoC bukod pa sa 14 kumpanya at kooperatiba na una nang tinanggalan nito ng accreditation.  

Nabatid kay Biazon na sa 39 impor­ter at broker na tinanggal sa listahan ang 16 dito ay pawang mga kooperatiba na walang track record at ang iba naman ay maliliit na kumpanya, na hindi na­ka­pag-comply sa ibang requirements na itinakda ng  BoC.  

Sa kasaysayan ng BoC ay tinatayang umabot na sa 170 kabuuang bilang ng mga importers at broker ang inalis na sa listahan ng ICARE maituturing na ang pinakamataas sa kasaysayan ng ahensiya. 

 

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

INTERIM CUSTOMS ACCREDITATION AND REGISTRATION

KAYA

NABATID

NITONG

PATULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with