MANILA, Philippines - Nakaiskor ang mga otoridad nang maÂpatay sa isang shootout ang tatlong hiÂnihinalang holdaper na nangholdap ng isang hardware store kahapon ng hapon sa Quezon City.
Walang nakuha na pagkakakilanlan sa katawan ng mga suspek at nabawi sa kanila ang P30,000 na tinangay nila sa hardware store, dalawang kalibre 38 baril na ginamit nila sa panghoholdap at mga cell phone.
Batay sa ulat, bago naganap ang shootout sa kahabaan ng Commonwealth Avenue Extension malapit sa Regalado Avenue, Brgy. North Fairview ay hinoldap ng mga ito ang Cemento Pilipinas Inc., na pag-aari ng isang James Illescas.
Sa pagsisiyasat nagtungo ang mga suspek sa hardware store at nagkunwaring mga customer na o-order ng mga materyales sa construction.
Ilang sandali ay bigÂlang naglabas ng baril ang mga suspek saka nagdeklara ng holdap at tinutukan ng baril ang kahera na si Joan de Vera at kinuha ang kita ng tindahan at mga cell phone ng mga kawani.
Habang hinoholdap ang tindahan ay nakita ng mga nakakalat na police bus marshals at detectives kaya’t itinimbre ang insidente sa malapit na himpilan ng Station 5 at sa CIDU na agad namang rumesponde sa lugar.
Naabutan ng mga pulis ang mga suspek na tumatakas kung kaya’t hinabol ito hanggang sa pinutukan sila ng mga huli.
Gumanti ng putok ang mga pulis at ilang minutong barilan ay napatay ang mga suspek.