Tiwala ng mga investor sa Mindanao, lalakas Sa pag-isyu ng ECC sa Tampakan
MANILA, Philippines - Lalo anyang lalakas ang tiwala ng mga investor sa Mindanao sa rekomendasyon ng Mining Inter-Agency Cabinet Council (MICC) sa pag-iisyu ng environmental compliance certificate (ECC) sa Tampakan copper-gold project.
Ito ang inihayag ng mga kinatawan ng pribadong sektor sa Regional DevelopÂment Council 12 (RDC 12) na sumusuporta sa rekoÂmendasyon ng MICC na nilagdaan ng pitong miÂyemÂbro ng konseho.
“Nagdesisyon ang MIÂCC base sa mga merito at pagtugon sa mga umiiral na batas na makabubuti sa klimang pangnegosyo,†ayon kay RDC 12 council member Vispocious Ramos, Sr. “Nangangahulugan ito na matatamo ng pribadong sektor ang mga layunin sa pagpapaunlad ng ekonomiya at prosperidad para sa Region 12 at buong Mindanaoâ€.
“Ang pag-iisyu ng ECC sa Tampakan mine ay malaking hakbang para sa project sector groups sa Region 12 na sumusuporta sa mining project,†sabi ni Ramos sabay paglilinaw na idineklara nila sa RDC 12 bilang flagship project ang $5.9 billion Tampakan mine sa buong rehiyon.
- Latest