^

Police Metro

Kelot dinedo ng apat

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Dedo ang isang 36-taong gulang na kelot makaraang pagtulungang tagain, hampasin ng kahoy at tubo ng apat na na­kaalitan nito sa Quezon City, kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Nicanor Malobay, 36, ng Riverside Unit 5, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Nakilala ang dalawa sa mga suspek na sina Francis Labado, 29, cons­truction worker na naka-confine ngayon sa ospital matapos magtamo ng tama ng saksak sa tiyan at isang  alyas Berto Labado.

Sa ulat ni PO2 George Caculba, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Lawin St., Riverside Unit 5, ng nasabing barangay ganap na ala-1:50 ng ma­daling-araw.

Ayon sa testigong si Perfecto Caribigan, sina­mahan niya ang biktima papauwi matapos masangkot ito at ang kanyang anak sa gulo laban sa mga suspek.

Habang naglalakad sa nasabing kalye ay nakaabang na umano ang mga suspek na may hawak na jungle bolo, tubo at kahoy.

Nang makita nila ang biktima ay biglang nila itong sinugod at pinagtulungan pero nagawa pang makalaban at nasaksak niya sa tiyan si Labado.

AYON

BERTO LABADO

FRANCIS LABADO

GEORGE CACULBA

LAWIN ST.

NICANOR MALOBAY

PERFECTO CARIBIGAN

QUEZON CITY

RIVERSIDE UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with