^

Police Metro

Habang papuntang court hearing… 3 chinese drug lord itinakas

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang eksena sa isang pelikula ang nangyaring pagharang ng may 20 armadong kalalakihan  sa isang service vehicle ng Bureau of Jail Mana­gement (BJMP) at dito ay itinakas ang tatlong Chinese drug lord na mga high profile na bilanggo na sakay nito para dumalo sana sa court hearing kahapon ng umaga sa Trece Martirez City, Ca­vite.

Ang mga suspek na itinakas ay kinilalang sina Li Tian Hua; Wang Li Na; at Li La Yan pawang nakaditine sa Cavite Provincial Jail kaugnay ng ka­song kinakaharap ng mga ito na may kinalaman sa paglabag sa Section 8 ng Article II ng Republic Act 9165 o illegal na pagmamanupaktura ng shabu.

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga nang maganap ang pagliligtas ng mga suspek sa tatlong bilanggong Chinese sa tapat ng Forrest Park, Barangay Lapidario, Trece Martirez City.

Nabatid na hina­rang ng mga armadong ka­la­­lakihan na pawang na­kasuot ng bonnet na sakay ng kulay puting van (WTT-544) at kulay berde ang  service vehicle ng BJMP.

Dito ay tinutukan ang limang nakabantay na jail guard at puwersa­hang kinuha ang tatlong Chinese drug lord at Edgardo Pineda na kasama sa sasakyan.

Hindi na nanlaban ang mga jailguard at kinuha ang kanilang mga service firearms ang mga suspek bago nagsitakas.

Kusang loob namang bumalik sa Provincial Jail si Pineda, may kasong murder at sinabi sa mga otoridad na  pinababa siya ng mga armadong kalalakihan may higit 50 metro lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng insidente.

Napag-alaman mula kay Provincial Warden Romeo Montehermoso Jr., na ang tatlong Chinese ay naaresto sa sina­la­kay na shabu laboratory sa Parañaque at Tanza, Cavite.

Narekober din ng mga operatiba ang puting van na (WTT-544) na inabandona sa bahagi ng Brgy. Aguado, Trece Martirez City.

vuukle comment

BARANGAY LAPIDARIO

BUREAU OF JAIL MANA

CAVITE PROVINCIAL JAIL

EDGARDO PINEDA

FORREST PARK

LI LA YAN

SHY

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with