Ex-tanod niresbakan, dedo
MANILA, Philippines - Dedo ang isang dating barangay tanod matapos siyang resbakan ng dati niyang kaalitan at patraydor na pagsasaksakin habang ang biktima ay nagsasampay ng damit sa harapan ng kanyang bahay sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si James R. Criyaldo, dating tanod sa Brgy.418 Zone 43 at residente ng #2999 Ramon Magsaysay Boulevard, Sta. Mesa. Agad namang tumakas ang suspek na si Jojo Doria , 32, matapos nitong mapatay ang biktima.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng Manila Police District- Homicide Section, ang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima. Sinasabing matagal ng may alitan ang dalawa at nang makakuha ng magandang pagkakataon ang suspek ay pinagsasaksak niya ang biktima habang nagsasampay ng damit sa tapat ng kanyang tahanan.
- Latest