^

Police Metro

Binata binaril sa ulo, todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang binata matapos siyang malapitang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi ang biktimang si Leonardo Lariza, 26, na sinasabing kingpin o peacemaker na nakatira sa 101 Gate 48 , Parola compound, Binondo, Maynila dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Cris Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na  dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa MICT Road malapit sa Gate 4 ng Parola compound, Binondo.

Papauwi na umano ang biktima sa kanilang  bahay at habang naglalakad ito sa madilim na lugar ay  isang hindi nakilalang lalaki ang lumapit sa kanya at malapitang binaril ng dalawang beses sa ulo. Inaalam pa ang pagkakilanlan ng suspek at motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BINONDO

CRIS OCAMPO

INAALAM

LEONARDO LARIZA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAPAUWI

PAROLA

TODAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with