Binay, bagong miyembro ng PMA Class 1988
MANILA, Philippines - Natupad na rin ang matagal ng pangarap ni Vice President at United Nationalist Alliance (UNA) Chairman Jejomar Binay na maging sundalo.
Ito’y matapos na pormal ng manumpa si Binay kahapon bilang honorary member ng Silver JubilaÂrians ng Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class 1988 sa ika-50 taong Alumni Homecoming ng premyadong institusyon ng militar.
Sinabi ni Binay, isa sa mga naging kabiguan niya sa buhay ay matapos na dahil hindi siya matanggap na kadete sa PMA noong kabataan niya dahil kulang siya sa tangkad.
Umani naman ng masiÂgabong palakpakan, maÂtaÂpos na pabirong ipakilala ni ret. Lt. Gen. Eduardo BateÂnga, Presidente ng Alumni Homecoming Incorporated si Binay bilang si “Jejemon Binayâ€.
Sa kanyang talumpati ay isiniwalat ni Binay na noong kabataan niya ay naÂbigo siyang makapasok sa PMA bilang kadete dahilan sa “Cool-cut “ o kulang sa sukat ng pagkalalaki.
Magkagayunman, siÂnabi ni Binay na masaya na siya at nagkaroon ng katuparan sa wakas ang kaniyang pangarap kung kailan pang isa na siyang opisyal ng gobyerno bilang isang reservist Colonel ng Philippine Marines.
“Marami akong cousin dito sa PMA, yung mga, kasingtangkad, kasing-dilim ng kulay ko at marami pang iba yung mga kasingtanda ko sa 1963â€, pabiro pang sabi ng Bise Presidente.
Bukod kay Binay ay itinuturing ring mistah ng PMA Class 1988 si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Emilio Abaya na aktibo naman sa Liberal Party (LP) at mahigpit na kalaban ng UNA.
Kabilang sa mga miyembro ng PMA Class 1988 ay sina AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., Quezon Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Dionardo Carlos at iba pa.
- Latest