^

Police Metro

Binata, bulagta sa boga

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang binata at nasa kritikal naman na kondisyon ang kaibigan nito matapos silang barilin ng malapitan ng hindi pa nakikilalang suspek sa Parañaque City, kahapon ng tanghali.

Hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Ryan Fuentes, 21,  nakatira sa Block 6, Lot 36, Pluto St., Area 7B, 4th Estate, Barangay San Antonio ng nabanggit na lungsod dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Ginagamot naman ngayon sa nabanggit pa ring ospital ang kaibigan nitong si Reynante Barbosa, 27, binata, walang trabaho, residente ng Block 4, Lot 5, Area 7B ng nabanggit na lugar na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Base sa inisyal na imbestigasyon nina SP01 Reynaldo Serafica at P01 Pio Calvo, ng Station Investigation Division (SID), Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali sa Pluto St., Area 7B, 4th Estate, Barangay San Antonio ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report, habang magkasamang nakatayo ang mga biktima sa nabanggit na lugar ay biglang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing binaril ng  malapitan ang dalawa.

Matapos isagawa ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy, madakip at mabatid ang motibo ng naganap na pamamaril.

vuukle comment

BARANGAY SAN ANTONIO

CITY POLICE

MEDICAL CENTER

PIO CALVO

PLUTO ST.

REYNALDO SERAFICA

REYNANTE BARBOSA

RYAN FUENTES

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with