^

Police Metro

Bading na kagawad minartilyo ang ulo, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang ba­ding na kagawad matapos itong martilyuhin sa ulo ng hindi pa nakilalang mga salarin sa Mandu­r­riao District, Iloilo City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ramonil Tongunes, 46 anyos, kagawad sa Brgy. Calajunan, Mandurriao District sa lungsod.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng parlor ng biktima sa ikalawang palapag sa palengke ng nabanggit na lugar bandang alas-5:00 ng hapon.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay nabasag ang ulo matapos na siya ay pukpukin ng martilyo at sinaksak pa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa testimonya ni Tri­xia, kaibigan ng bikti­ma sa mga awtoridad, mag­kasama pa sila ng bik­tima kamakalawa ng tanghali bago naganap ang krimen.

Huling nakitang buhay  ang biktima na may kasamang dalawang lalaki na posibleng may kagagawan ng krimen.

Naniniwala ang pulis­ya na gulangan sa ba­ya­ran ang motibo ng krimen habang patuloy ang im­bestigasyon sa kaso.

 

vuukle comment

BRGY

CALAJUNAN

CAMP CRAME

HULING

ILOILO CITY

KINILALA

MANDURRIAO DISTRICT

RAMONIL TONGUNES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with