^

Police Metro

Lady trader na bumbay patay sa holdap

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng ginang na Indian National ang nasawi matapos malapitang barilin ng isa sa dalawang holdaper na bumiktima sa kanya sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Manpreer Kaur, 32, na nasawi habang isinusugod sa ospital bunga ng mga tinamo nitong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Sinabi ni PO2 Alvin Quisumbing, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa Zusuarregue St., Bry. Old Balara ganap na alas-9:15 ng umaga.

Ayon sa report, kalalabas lamang sa isang eskinita ang biktima kasama ang kanyang mister na si Jasvir Singh para sumakay sa kanilang kotse nang lapitan ng isa sa mga suspek at nagdiklara ng holdap.

Agad naman ibinigay ng biktima ang kanyang pera sa mga suspek pero hindi pa nakuntento sa halip ay binaril pa ito bago tuluyang tumakas sakay ng kanilang motorsiklo.

Nagawa pang maitakbo sa Malvar General hospital ang biktima, pero hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

AYON

BRY

INDIAN NATIONAL

JASVIR SINGH

MALVAR GENERAL

MANPREER KAUR

OLD BALARA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with