^

Police Metro

Bangkay ni Aranas isasailalim sa 3rd autopsy

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon ay muling isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Dennis Aranas ang ikalawang testigo sa pagpatay sa brodkaster at environmentalist na si Gerardo ‘Doc’ Gerry Ortega na sinasabing nagpakamatay sa loob ng selda sa Quezon, noong Enero 24.

Ayon kay Quezon Provincial Police Office (PPO) Director Sr Supt. Dionardo Carlos, ang re-autopsy sa bangkay ni Aranas ay isasagawa bunsod ng magkasalungat na resulta ng awtopsiya ng National Bureau of Investigation at forensic expert ng Public Attorneys Office (PAO).

Gayunman, nilinaw ni Carlos na hinihintay pa nila ang go signal ng pamilya ni Aranas para maisailalim ang bangkay nito sa ikatlong awtopsiya .

Una ng inilabas ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nag-suicide si Aranas habang sa ipinalabas namang resulta ng PAO forensic expert ay pinahirapan, sinakal sanhi ng mga nakuhang bakas ng kuko sa kanyang leeg na pinatay ng tinatayang 3-4  suspek  kung saan hindi umano ito nag-suicide.

Si Aranas ay natagpuang nakabigti noong Pebrero 5, dakong alas-5:00 ng umaga sa loob ng selda nito sa Quezon District Jail  pero hindi agad na-ireport sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon Police at ng dumating ang mga awtoridad ay malinis na ang selda kung saan nadala na rin sa morgue ang bangkay ni Aranas.

Magugunita na si Aranas ang nagsilbing lookout ng pagbabarilin at mapatay si Ortega sa Puerto Princesa City, Palawan kung saan ginawa itong state witness sa kaso laban sa magkapatid na akusado na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes.

vuukle comment

ARANAS

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CORON MAYOR MARIO REYES

DENNIS ARANAS

DIONARDO CARLOS

DIRECTOR SR SUPT

GERRY ORTEGA

JOEL REYES

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PALAWAN GOV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with