^

Police Metro

Biyuda pumalag sa holdap, inutas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa mukha ang isang 52-anyos na biyuda ng isa sa dalawang suspek na nakamotorsiklo matapos itong pumalag sa holdap kahapon ng madaling-araw sa Paco, Maynila.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Della Matammu  Addun, residente  ng no. 1507 Paz St., Paco, Maynila.

Hindi naman naplakahan ng isang saksi ang motorsiklo ng mga tumatakas na suspek na  armado ang isa ng .9 mm. na  kalibre ng pistola.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw ay naglalakad ang biktima patungong Paco Market at pagdating sa kanto ng Paz at Trese de Augusto St., Barangay 679,  Zone 75,  District 5 ay biglang sumulpot ang isang  motorsiklo na kinalululanan ng mga suspek at nilapitan ang ginang at hinoldap.

Pumalag ang biktima kung kaya’t binaril ito sa mukha nang malapitan ng isa sa mga suspek na mabilis na tumakas tangay ang pera ng biktima.

vuukle comment

ADDUN

AUGUSTO ST.

BATAY

DELLA MATAMMU

MALAPITANG

MAYNILA

PACO MARKET

PAZ

PAZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with