^

Police Metro

Ex-cop, karnaper na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang dating pulis na nasibak sa kanyang tungkulin dahil sa pag-AWOL ang inaresto ng mga dating kabaro sa kasong pagkarnap ng isang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang suspek na si dating PO1 Eric Domingo ng Regional Public Safety Battalion at residente ng Simplicio Compound ay nahaharap sa kasong carnapping matapos tangayin ang motorsiklo ng isang Normelita delos Santos.

Ayon kay Delos Santos tinangay ang  kanyang Yamaha Mio habang nakaparada sa tapat ng kanyang bahay ng suspek na nakunan ng closed circuit television camera (CCTV).

Agad na sinalakay ng pulisya ang bahay ng suspek dakong alas-6:00 ng gabi at  natagpuan ang nawawalang motorsiklo sa bahay nito.

Todo-tanggi pa ang suspek sa akusasyon kahit na kitang-kita siya sa video footage.

Ayon kay Chief Insp. Enrique Sy, hepe ng Investigation Unit ng Parañaque Police na maraming beses nang nasangkot si Domingo sa mga kaso ng “extortion” bago ito nag-AWOL kaya’t sinibak sa pagiging pulis.

 

AYON

CHIEF INSP

DELOS SANTOS

ENRIQUE SY

ERIC DOMINGO

INVESTIGATION UNIT

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SIMPLICIO COMPOUND

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with