Obama ibinida ang Pinay nurse sa kanyang State of the Union Address
MANILA, Philippines - Ibinida at ipinagmalaki ni US President Barack Obama sa kauna-unahang State of the Union Address ng kanyang ikalawang termino ang isang Pinay na maituturing na mga bayani ng Hurricane Sandy.
Si Menchu Sanchez, isang Pinay nurse sa Langone Medical Center ng New York University ang nagpamalas ng kanyang kabayanihan sa kasagsagan ng pananalasa ng Hurricane Sandy na puminsala sa malaking bahagi ng New York at New Jersey noong nakalipas na taon.
“We should follow the example of a New York City nurse named Menchu Sanchez. When Hurricane Sandy plunged her hospital into darkness, her thoughts were not with how her own home was faring-they were with the twenty precious newborns in her care and the rescue plan she devised that kept them all safe,†ani Obama sa kanyang speech.
Katabi ni First Lady Michelle Obama si Sanchez sa upuan bilang isa sa kanyang mga special guests sa State of the Union Address
Pinuri ni Obama si Sanchez matapos na maiÂligtas nito ang may 20 sanggol na nanganganib sa Langone Medical Center patungo sa intensive care units sa siyudad habang binabayo ng Hurricane Sandy ang nasabing mga lungsod na nagbunsod ng malawakang blackout at pagkasira ng komunikasyon sa lugar.
Nabatid na nakagawa ng mahusay na plano ni Sanchez at inorganisa ang mga nurses at doktor upang isa-isang buhatin ang mga bata pababa sa mga hagdan ng gusali ng ospital gamit lamang ang liwanag ng nag-iisang cellphone para mabigyang liwanag ang kanilang daraanan habang binabayo ng bagyo ang buong New York.
Siya ay kasalukuyang nakatira sa New Jersey kasama ang kanyang mister at dalawang anak na parehong nag-aaral na sa kolehiyo.
- Latest