Palaboy sinagasaan ng 3 sasakyan sa Makati
MANILA, Philippines - Nagmistulang giniling ang katawan ng isang laÂlaking palaboy matapos na masagasaan ito ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue, Makati City kahapon ng madaling-araw.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima na hindi madetermina ang edad dahil sa maÂtinding pinsala na sinapit ng katawan nito.
Batay sa ulat sa nakalap na impormasyon ng pulisya na dakong alas-4:50 ng madaling araw sa kahabaan ng Sen. Gil Puyat Avenue sa may San Antonio Village ay umupo umano sa gitna ng kalsada ang biktima kaya’t nabundol ito ng isang puting taxi na hindi huminto.
Pagtilapon ng biktima ay nasagasaan ito ng isang Isuzu Crosswind na hindi rin huminto at isa pang Isuzu Alterra na minamaneho ni Michael Jerome Cervantes, 26, ng 15 Narcisus St., Roxas District, Quezon City.
Si Cervantes at dalawang tumakas na driver ay sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.
- Latest