^

Police Metro

May-ari ng security agency tumba sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng  dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang isang 64-anyos na lalaki na may-ari ng security agency kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nasawi noon din ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan na si  Willard Agaloos, may-ari ng Pax Urbis Security Agency.

Batay sa ulat, dakong alas-11:25 ng gabi ay nakarinig ng mga putok ng baril ang testigong si Daisy Flores at tatlong kaibigan habang nagla­lakad sila sa Ilang-ilang St., kanto ng Lily St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik.

Nakita nila ang dalawang lalaki na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo at iniwan ang biktima na nakahandusay sa lugar.

Agad na ipinagbigay alam ng mga nakasaksi ang insidente sa may opis­yales ng barangay sa lugar na siyang tumawag naman ng pulisya para sa pagsisiyasat.

Malaki ang hinala ng pamilya ng biktima na mga dating trahabador na sinibak umano nito sa trabaho ang posibleng may kagagawan ng pagpatay.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DAISY FLORES

LILY ST.

MALIGAYA PARK

PASONG PUTIK

PAX URBIS SECURITY AGENCY

QUEZON CITY

WILLARD AGALOOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with